Hanep sa Trip

Sunday, September 6, 2009

Back to reality

After a week off, I had to go back to my reality. To my prepartion for my future. Waaaaaaah!!!!!!!! There are no feeling of regrets.... Just full pressure.......

Monday, March 30, 2009

galing sa naglaho kong blog....


Kwentong Kalokohan ni Beryl
Nakasulat na sa title na ang mga nakasulat dito ay mga kalokohang may katotohanan na pwedeng magpaalala sa atin na masarap mabuhay. Enjoy life!

Friday, January 30, 2009
coincidence
patawa talaga. alam kong engweek ngayon sa school.. pero ngayon suot ko ung eng shirt ko sa isang school. nung bandang 4pm, narealize ko na bagay pala yung suot ko sa araw na ito kasi eng night namin. hahahaha!!! kaninang umaga hindi ko naman pin-lano na ito ang suot. nagmamadali na kasi ako kaya ito na ung nakuha ko sabay suot.. ayon... hehehe
Posted by Beryl at 17:50:33 | Permanent Link | Comments (2) | 
Tuesday, January 27, 2009
moment of shame... hahaha

i was listening to magic 899 pero tinatamad akong tumawag sa hotline para ikwento to kaya dito na lang. Chaka marami na rin namang nakaka-alam.. chaka baka hindi nila ma-getsyung kwento.. so moment of shame ulit yun. hahaha

2 years ago, in-charge kami ni jp sa pagtingin ng venue kung ok siya at planohin ung program flow ng event. Ayon nga parehas din kaming hindi alam kung nasan ung place kaya naglalakad kami. Patanung-tanong, at patingin-tingin sa paligid-ligid. Habang naglalakad kami, nagulat na lang ako at parang nahulog ako... Sa totoo medyo kinabahan ako kasi kala ko deadz na ako... ung isa kong paa, na-shoot sa isang butas... madaming nakakita sa akin, ung mga tric driver... eh may dadaan na tric, kaya buti na lang tinulungan ako ni jp... hindi ko na masyadong inalala ung paa ko kasi sobrang nakakahiya talaga... chaka... ung butas, medyo malaki at hindi ko alam bakit hindi ko nakita. well un na ang nangyari... Nung umuwi ako, sobrang marami akong pasa na para akong galing sa hazing. May pictures nga ako kaso biglang nag crash ung laptop ko... hindi ako nagkaroon ng chance i-upload sa multiply.. ayon... hahahaha



 
Posted by Beryl at 22:58:37 | Permanent Link | Comments (2) | 
Monday, January 26, 2009
panibagong kalokohan
panibagong kalokohan? talaga bago? hahahaha!! sa totoo lang tuloy lang na kalokohan. bakit ano bang ginawa ko? nag bulletin ulit sa friendster!!!! wahahahaha!!! basta lang magsulat!!!!
Posted by Beryl at 19:01:06 | Permanent Link | Comments (2) | 
Friday, January 16, 2009
Kahit hindi ako piliin ng gusto ko, sa kanya pa rin ako
Waaah.... Sobrang hindi naman ako makatulog... Imbis na may dapat pag-aralan, nag-d-day dream lang ako ng mga bagay-bagay. May iniisip kasi ako. Siguro mayabang ako.. Or not... Kasi may lumapit sa aking opportuity, gin-rab ko siya... Although hindi lang ako ung binigyan, pero i am still grateful. Pero sa pagtanggap nun, winish ko na sana iba na lang ung maging successful dun. Kasi may iba na rin akong pinagkakaabalahan. And hindi nga talaga ako umaasa kasi I think I blew nga eh. But then, nalagpasan ko pala ang stage na yun. Here comes another opportunity. Nag-confirm ako tapos inisip ko, sige go na kaya? Then merong opportunity sa gusto ko talaga. Dun naguguluhan ako kung paano ko i-tu-turn down ung una. Nakakahiya kasi... Pero hindi ko naman ginusto, hindi rin ako lumapit. Yun nga lang, it's really an honor to be chosen. Pero mas gusto ko yung huli... Kasi mahal ko yung huli... Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Kung nalilito ako kung paano i-turn down ung una, or confused ung feelings kung gusto ko talaga ung latter or may mahal ako dun... Wish ko na hindi na lang ako sa una.... waaahh... Kasi kung iisipin, pag dun ako sa una, tapos positive ung huli, paano na?? sobrang panghihinayang yun. Pero kung wala ung una, tapos wala rin ung pangalawa, siguro ok na rin...? Pero kasi malakas ang feeling ko dun sa pangalawa na kahit papano, mapapansin ako. Kung hindi man, sa iba na lang ulit. Kasi hindi ko naman talaga gusto ung una.. Kakaiba kasi ung statement nila... Feeling ko I am obliged to confirm sa opportunity na un. Parang wala akong option. Pero I am hoping na humble pa rin ako... 
Posted by Beryl at 00:56:51 | Permanent Link | Comments (2) | 
Tuesday, January 13, 2009
Real Job Interview
Grabe, iba ang real job interview sa ojt interview. Nung ojt, informal. Pero todo business attire ako nun kasi diba sabi "dress to please" chaka "better to be overdressed than underdresses" para daw ma-feel ng employer kung gaano sila ka-importante.

Well, sobrang todo nose bleed ako. Pure english si nag-iinterview. Pero ok na rin at least may experience ko sa real job interview. Sa totoo lang hindi naman ako nag-submit ng resume at application sa company. Sa jobstreet kasi pwedeng mag-search ang mga employers doon using keywords. Tapos lumabas daw yung name ko. Then chineck nila ung viewable resume ko, ok naman daw. Hindi talaga ako nag-aapply ng work para sa mga grads kasi nga pending pa thesis grade ko. Well, ayun na nga. Hindi niya ata napansin sa resume ko na "currently finishing thesis." Sobrang dami niyang tanung, kung anu-ano. Nagpakwento ng konti sa OJT pero sobrang kabado talaga ako. Puro english eh. Yung "yes" ko nagiging "yeah" Yung mga shortcut english. Bukod dun, madami rin applicante... Pero pinagdadasal ko na sana iba na lang ang kunin nila... Kasi ang magiging trabaho ko ay programmer... Anong alam ko dun????!!!!!!!! Siguro pwedeng taga test ng nagawang program... Pero ung coding churva.. madryo mahirap... Pwera na lang kung itr-train nila ako. Tapos kung anu-anong programming language ang tinatanung nila na alam ko.. Eh C lang alam ko eh.. hehehe

Ayon, after interview, lunch ako kasama ung mga ex-ojt-mates ko. Saglit lang din kami nagkita-kita. Nung lunch break tapos may deploy din sila. Ayon.
Posted by Beryl at 23:04:01 | Permanent Link | Comments (2) | 
Friday, January 09, 2009
Learnings, trips at iba pa habang OJT sa Globe
Bagay-bagay habang nag-oojt... 


1. Natuto akong gumamit at gawing best buddy si Nokia 6680.

2. Nakilala ko si CellTrack at FieldTestbug.

3. Pwede palang gamiting blower ng buhok ang dryer sa CR.

4. Gumagamit ako ng CR sa 11th at 12th floor tuwing umaga kasi nahihiya akong makita ni Ma’am Emma na nagblo-blower ng buhok.

5. Maaga akong gumigising sa umaga para mahabol ung bus kasabay si bus-crush.

6. Lumapit kay other-dept-crush para itanong ang pangalan at piliting bigyan ng pagkain. (nahihiya na talaga akong bumalik ng office… hehehe)

7. MO tawag namin sa mga labas namin.. Mission Order yun. Missionaries kami for GT. hehehehe

8. Tatlo (3) ang alam kong pincode ng photocopier. 

9. Mamasyal sa mga mall at kung saan-saan araw-araw.

10. Muntik na akong masagasaan sa QC.

11. Marunong ng sumakay ng MRT mula Buendia hanggang Ortigas nga lang.

12. Hindi pa rin ako natutong tumawid.

13. Nagbabaon ako ng lunch nung simula kaso wala ng time.

14. Nakipag-usap sa kung sinu-sinong tao.

15. Magsabi ng mga hinanaing sa mga co-ojt kahit wala silang alam tungkol dun.

16. Masarap ang ice cream sa ministop.

17. May mga taong madaling magpalibre.

18. May mga taong kusang nanlilibre.

19. May mga taong hindi ka naririnig kapag nagpapalibre ka.

20. May mga taong matutuwa ka kasi at last nilibre ka.

21. Naiinis din sila kapag masyado akong makulit.

22. Nakasakay sa kotseng tumatakbo ng 120++ kph kahit heavy traffic.

23. Tamang technique sa pagsakay ng elevator.

24. Natuto akong magmahal ulit…. 
Posted by Beryl at 00:51:25 | Permanent Link | Comments (2) | 
Tuesday, January 06, 2009
deteriorated brain cells
feeling ko nagdedeteriorate na talaga brain cells ko. hahahaha! paano ba naman natulog ako kagabi na hindi tinanggal ung CL ko... tapos kinaumgahan, dun ko narealize na suot ko pa rin pala.. ewan.. paano na kaya 'to..?
Posted by Beryl at 23:08:25 | Permanent Link | Comments (2) | 
Sunday, January 04, 2009
absent minded
grabe.. nagpaka-absent minded ko ngayon.. natawa na lang ako... bwahahaha... kasi usual routine ko kapag umaalis ng bahay, pagkaligo, kabit si contacts.. kanina, pagkaligo kinabit ko si contacts... eh sa bahay lang naman ako.. bwahahahahaha!!! na-realize ko na lang na kinabit ko siya nung binalik ko na ung lalagyan... ayon.. inalis ko rin.. hehehehe... un lang...
Posted by Beryl at 14:17:07 | Permanent Link | Comments (3) |

Sunday, December 28, 2008
Ang aking pagkagulat
Sa ngayon, medyo nahihilig akong mag-blog kaysa mag-aral para sa thesis namin... Pero related naman sa thesis namin yun. Ginawan ko pa nga ng blog account yung thesis namin. Syempre sa pag-b-blog minsan may mga bagay tayong ayaw ipaalam sa mga magulang namin. Kaya tuwing iniiwan ko ung pc ko, sinisigurado kong sign out lahat kasi baka may mabasa yung magulang ko. bwahahaha.. Well kanina, mukhang gustung-gustong makigamit ng tatay ko... kasi mabagal daw ung pc niya kaya nakikigamit siya sa akin or kay mommy. Hindi naman niya sinabi na gusto niyang gumamit.. Habang may inaayos ako sa blog ko, parang bigla akong lumabas. Buti na nga lang at hindi ako masyadong matagal kasi pagbalik ko sa kwarto ko, nandun na yung tatay ko sa harap ng laptop ko. At dahil sa ka-biglaan at kung anu-anong naramadaman baka may nabasa siya, napasigaw talaga ako ng sobrang lakas.. Hahahaha!!! Tapos sabay tawa naman ng tatay ko.. Bad trip un kung may nabasa siya. Buti na lang wala naman. Nung tinignan ko ung page, nandun siya sa layout configuration... Syempre medyo inaway ko yung tatay ko kasi nangengelam eh.. hahahhaha... Pero buti na lang hindi niya nabasa yung mga pinagsusulat ko. waheheheheeehe!!!!!!!  
Posted by Beryl at 16:52:50 | Permanent Link | Comments (3) | 
Love.. Bwahahahaha!

Grabe ngayong araw na ito, marami akong natatanggap na mga love messages tungkol sa dapat hindi tayo bitter, etc... ito yung ilan...

..dnt b bitter & full of hatred wen d 1 u love decided 2 leave u... ask, listen & let go... don't force urself 2 understand wen u cant... 2 fight hard wen its obviously over & 2 play deaf 2 d nagging truth dat wat u've had doesnt work & wont work anymor... instead say: "i had loved mor dan u tink i wud but feel sorry that u've lost ur chance 2 b loved mor dan u wud ever feel in ur life after dis..."

..the best part of being in Love is when you just Love a person and be happy about it, even if that person can never be yours, even if you know that it can't last forever! that's the true essence of Love. it's not about winning someone. it's not about owning a relationship. it's just about being happy because you know you've Loved someone. you just Love and Love unselfishly..

Sa totoo lang hindi naman ako bitter... hahahaha... I thank God so much na binigyan niya ako ng pagkakataong mag-mahal ulit.. Sobrang mahal ko na siya... after 1 year din. Sana nga siya na.. I am praying to God na sana siya na nga... Okay naman ang single... kaso mahal ko siya.. hindi ko alam kung may pag-asa ako sa kanya... Dasal na lang sa Panginoon... Single naman ako. Kung may dumating, sana maglakas siya ng loob na magsabi sa akin... Conservative pa rin ako. Hindi ko kayang unang magtapat sa taong mahal ko... Sa crush kasi, tinanung ko lang naman pangalan niya. Hindi ko naman sinabi na crush ko siya. At asa naman siya nh. Gwapong di hamak yung mahal ko. Balik tayo dun sa kung may magmamahal sa akin... Kung may dumating, sana magsabi siya. Hindi naman ako nangangain ng tao. Chaka sana wag siyang mawalan ng pag-asa. Kasi baka siya na pala yung hinhintay ko. Sana wag niyang isipin na "Paano kung di pala ako yung gusto niya, sayang naman." Ano ba ang mas sayang, yung nagtry ka tapos hindi pala ikaw pero pwede mong sabihin sa sarili mo na kawalan un ng nagturn down sayo.... Or kaw na pala yung gusto pero hinayaan mo lang... parehas lang kayong nasasaktan... Mahirap kasi kapag babae... Dapat discrete yung pagpaparamdam... Hindi naman pagpapakipot yun...

love hurts the most when the person you love has no idea how you feel

Kaya please lang guy, initindihin mo na lang si girl kung minsan feeling mo ayaw sa'yo kasi nahihirapan siyang wag pa-obvious na mahal ka niya...

Nahihirapan din siya... nahihirapan din ako...

Magkaiba ang crush sa love.... Sorry kung medyo kinikilig ako sa crush ko... Hindi kita tinataboy... Lahat naman ng crush ko hindi ko nga kilala, hindi nakaka-usap, at walang interaction.. Sorry kung nasasaktan kita kapag kinikilig ako sa crush ko...
crush ko siya... or sila.... pero mahal kita... sobra...

Naghihintay pa rin ako.... Sa'yo.. Hanggang kailan? Kung hanggang kailan pwede... Baka sakaling ako ang piliin mo... Or kung dumating ang panahon na hindi na kita pwedeng mahalin...



Paano kung isang araw iwan kita? Hahabulin mo ba ko? Uubusin mo ba ang oras mo makita lang ako? Iiyakan mo ba ko kasi mahal mo ko? Hindi siguro kasi kung iisipin ko, pang-ilang balik ko na ba to?

 

 Yun ang tanong, ilang beses na ba akong bumabalik... Pero maghihintay pa rin ako... Baka sakali...
Posted by Beryl at 00:55:04 | Permanent Link | Comments (3) | 
Saturday, December 27, 2008
Last term. last term na sana
Yehey! Christmas break na ngayon. Christmas 2008. Natapos na rin ang bayarin ko sa school kahit na pending pa yung grade namin sa thesis... Pero masya na rin ako..

Salamat sa term na ito.. Ano ba ginawa ko ngayong term na ito? Nag-ojt at pumasok sa school... Kahit na bad trip yung sched ng class ko, ok na rin. Salamat sa mga classmates ko.. Gusto ko silang isulat dito sana wala akong makalimutan...

1. Dom
2. Tropa
3. Kirk
4. Christian
5. Mavs
6. Dette
7. Frans
8. Ace
9. Happy
10. Gie
11. Leo
12. Joni
13. Ram
14. Japong
15. Pau
16. Russ
17. JamBans
18. Darryl
19. Delfin
20. EJ
21. Papa
22. Lope
23. Paul
24. JL
25. Roga
26.Poknat
27.Jet
28. Ms. Bing - Prof namin

Thanks Classmates.

Salamat din sa GT sa pagkakataong binigay nila sa akin para mag-OJT.... Sobrang salamat talaga.. Isusulat ko rin sila dito.. sana walang magtampo..

1. Ate Guards - Lagi akong nirereto sa kung kani-kaninong empleyado
2. Kuya Guards - alam nila kung sino crush ko
3. Manang Violy - minsan na-HB
4. Sidekick ni Manang Violy
5. Sir Tong - natuto akong lumakas ng loob
6. Ma'am Pinky Tanseco-Nuesca - hindi ko pa nakakausap malibang sa Good morning at iba pang greeting
7. Sir Cris Crisostomo- yung hiningan ko ng pera para mag-load
8. Ma'am Irene - everloving na nag-aalaga sa amin
9. Ma'am Emma Hernandez- ang forever kong cr-mate sa umaga
10. Sir's and Ma'am's na ininstallan ko ng MQA sa kanilang phones
12. Sir Nhad - wimax testing
13. Ma'am Marie Vianzon- wimax testing
14. Ma'am Marlyn Camingal- naging daan para makasama ako sa wimax testing, huli kong nakilala sa NQ kasi naka-ML sya
15. Sir Alex Mendoza- nagsabi sa akin na sa Boni pala nagpapa-load ng kay Ma'am Emma
16. Sir Obey Rama- unang taong nakilala ko nung first day ko sa NQ.
17. Sir Ian - nakita ko siya nung first day ko sa row namin pero lumipat na siya sa opti
18. Sir Leonard Gapasin- taga nesic pero kasama sa nambu-bully sa akin. hahahaha. afternoon shift madalas
19. Sir Joven Jacinto- taga nesic na nakikita ko lang sa umaga bago mag-field at minsan ko lang narinig na magsalita
20. Sir Chardie Delgado- tahimik siya pero favorite ding mang-asar. taga-opti siya pero nasa nq
21. Sir Jurgen Dizon- pinakabata ata sa nq, ubod ng kulit at adviser/founder ng bully club ko. hahaha
22. Sir Ryan Corral- kapalit ni Sir Ian. member ng bully club ko at pinaka-nambubully sa akin. hahahaha. At hinawaan ako ng deadly virus bago ako tuluyang nag-b-bye sa nq. Ayos na remembrance. :D
23. Ma'am Karen Uy- isa sa mga IS ko, madalas gabihin sa office at favorite niya mqa
24. Ma'am Lea Reyes- nag-interview sa akin, laging before 8 nasa office at favorite niya ang mga qualipocs
25. Aldrin Nicolas- una kong nakasama sa field, chick boy
26. Rose Umbal- unang girl na nameet kong co-worker, the mother
27. Dada Yambao- afternoonshift girl
28. Mark Ramos- SNS boy
29. Tristan EscaƱo - mahilig pumuntang pio, magliquidate, magconsolidate during his time
30. Engel Diongson - Qualipoc master during his time
31. Rene Lardizabal- boy raon
32. Gringo Quilatan- lover boy mark
33. Ross Moyo- the liquidator
34. Mark Francis Ang- the pioneer
35. Mel Reamico- the consolidator
36. Farlou Magno- must love girls
37. Esli Liwanag- wireline girl, huling girl na ka-ojt ko
38. Sir Romy - 120 kph kahit sober sa traffic, "palit tayo..." ang sagot kapag siya yung driver
39. Sir Neil - tamang trip at madalas nagkakasakit (feeling ko laging kasalungat ni sir romy.. hehehehe)
40. Sir Jo - "yes!" ang sagot kapag siya ang driver
41. Others - substitute drivers, managers ng mga BC, mga oic sa mga pinpuntahan namin, etc...

sana wala akong nakalimutan.. hehehehehe

Thanks sa saya!!

Love,

Beryl Baterina
Bullied Girl
Posted by Beryl at 17:16:32 | Permanent Link | Comments (1)

Sunday, August 12, 2007
A funny day or night?

I am at the dorm again, as usual. I am trying to write reflections on 7 sacraments which is due on Tuesday. That is practically 2 days from now. Aside from that, we have to finish our logic trainer which I believe we have to pass on Tuesday also. I have also exams in all my subjects this week. I will not call this coming week as "hell week." Instead, I'll call it a very challenging week. As I was doing my reflection, I am online and having IM's with my friends. That's not the funny part. Hahahaha!!! The taiwanese have been staying with us for 8 days already. During the past few days, they seem to sleep early. I think it is because they will have lots to do during the day. Yes, it's true because they are volunteers. Tonight is a different night. (I think) They are still awake even until now - 12:45 am. Maybe they were just maximizing their stay here in the Philippines. I believe that no one would read this that I can tell that they drank. Hahaha!!! That was still not the funny part. I don't know if this is funny for other people, but for me it is. They kept on going downstairs and upstairs. I am staying outside my room because of the internet signal that's why I really noticed. And they seem hesitant to pass by me, maybe afraid that I might smell them. The hell I care if they got drunk. Hahahaha!!!! Unlike other nights, they don't mind passing even I'm at the hall way. Tonight was different. They even asked if I don't sleep. In my understanding, they were asking me if I don't sleep at all. But maybe they meant to ask if I'm not going to sleep yet. But I find it really funny that they are real college students who fool around like us. :D 
Posted by Beryl at 01:56:25 | Permanent Link | Comments (0) |

Saturday, July 14, 2007
Haaiii...

I am so pissed right now. We were supposed to be finished by now for our project. I already started looking for the speaker more than a month ago. But then I felt so tired because I have so many things to do that I let another person to continue what I was doing. She accepted it but I can’t see any initiative that she’s doing it. She has so many excuses. Then when I saw her, she tried to give that work back to me again. I don’t know what she’s been thinking. And she has the nerve to give excuses that are not excusable like her friend wasn’t able to talk with the speaker. I would like to say that it’s her task for our project, not her friend’s. I really hate because I am so tired and all, but still I manage to balance things. She also has other extra curricular assignments but I don’t know what she’s been doing. I just want to release what I’m feeling write now. I just gave her an IM, but she really has lousy response.
Posted by Beryl at 21:29:35 | Permanent Link | Comments (0) 

Monday, June 25, 2007
Walang maisip..

Grabe, matagal-tagal na rin pala nung huli akong nag-post dito. Busy kasi eh. Bukod dun hectic ang schedule ko. Na-feel ko kasing magmadaling gum-raduate, ayon nag 21 units ako. Balak ko pa nga nung mga nakaraang term mag-apply ng over load. Buti na lang hindi ako qualified. Hindi ko alam kung mag 21 units pa ulit ako after this term.. Pero gusto ko pa rin naman at pipilitin kong kayanin. Kaso, feel ko na bumibigay na rin ang katawan ko. Hindi ko na nga masyadong kaya magpuyat. Buti nga ngaun nakuha ko pang maging gising ng mag 1 am na. Pagod ako, bukod dun medyo stressed. Kung minsan disoriented na din. Madami din akong extra curricular activities. Ayoko na nga talaga kasi gusto ko mag-focus na sa acads. Nasabihan na nga ako ng Mommy ko na dapat daw wala na akong summer activities sa susunod. Ngayon nga hindi ko alam kung anung reaction niya na may extra-curricular activities ako. Isa yon sa dahilan kung bakit hindi ako umuuwi sa bahay namin. Tinatanung nila kung marami ba akong free time kaya nakaka-attend ako ng mga gatherings, birthdays, etc.. Kaya lang naman ako nag-chachagang umuwi sa amin dahil accessible ang transportation sa amin. Eh pag dito sa school, haaay. Kaya nga ngayon, ayos lang kahit lakarin ko ang 2km na stretch kaysa marinig lang ung mga comments ng mga tao sa bahay na marami akong libreng oras para hindi pag-aaral ang atupagin ko. Sinabihan nga nila ang kapatid ko na pag-pasok niya sa school puro pag-aaral lang ang atupagin niya at wag mag extra activities. Kulang na lang sabihin nilang wag tumulad sa akn kaya tuloy hindi pa ako guma-graduate. Hindi ko masulat ito sa 'people' kasi medyo personal ko na ito. Feeling ko, may mga prof na nagrerequire ng studs magsulat sa people. Marami kasing nagsusulat at parang may topic.. Wala lang.. Marami akong role ngaun sa mga orgs.. Sa totoo konti lang kaso medyo matrabaho pero aus lang.. Gusto ko na ngang ibalik ung y! id ko na 1/4 studyante 3/4 chimay. Pero naisip ko na full time chimay part time studyante. Hehehe.. Kung magtatanung kayo ang mga orgs na busy-busyhan ako ay TINIG at YFC. Kahit konti lang yan matrabaho pa rin. Pero masaya ako kasi fulfilling naman.. Yun nga lang kapag naaalala ko ang magiging reaction ng magulang ko.. haaay.. Sige matutulog na ako.. :D
Posted by Beryl at 01:59:16 | Permanent Link | Comments (0) |

Thursday, May 03, 2007
May 3, 2007

Mula ng bumalik ako galing San Jose del Monte City sumasakit na yung likod ko. Feeling ko nangangalay lang ito dahil sa over sa harap ng pc. Lulubus-lubusin ko na ang mga nasa isip ko. Hahaha. Kahapon pag-uwi ko, nilayasan na naman kami ng kasambahay. Mabuti na rin siguro yon kasi sakit lang siya ng ulo ng mommy ko. Sabi nga ng iba naming kapitbahay para nga daw may tililing. Tapos naubusan din kami ng gasul. Nag-order na kami kanina pero hanggang ngayon wala pa din. Nakakatamd mag-follow-up kasi hindi naman ako nagugutom. Haha. Nung nag-order nga kami andamin pinagtatanung kung ano ba daw klaseng gasul, ung type of regulator, etc.. Grabe ah, simpleng gasul lang ang in-oorder ko, andame palang type nun. Eh wala namang sinabi nanay ko kung anong klaseng gasul. Kaya tuloy ginising ko na lang yung kapatid ko. Ayon, isa ding naguluhan sa mga tanong. Ang bahay pala namin tuloy pa rin sa pagiging charitable institution. May bagong bata na namang dinala dito. Aus lang, walang problema sa akin. Addict din siya sa tv parang si andrei. Ngayon bakasyon addict ako sa rubix cube. Pero masakit pa rin ang likod ko.
Posted by Beryl at 15:06:11 | Permanent Link | Comments (0) | 
Nag-iisip

Wala akong maisip na title kaya yan na lang. These past few days kasi marami akong self realization. Bata pa lang ako, talagang sinasabi na sa akin ng parents ko na maswerte kami dahil professional students kami. Hindi na namin kelangan magtrabaho para makapag-aral. Kumbaga, dati pa lang alam ko na anng concept na yon. Pero kung iisipin, hindi ko naman isinasabuhay. Masyado akong nasasarapan sa pag-aaral. Pag-aaral na nga lang ang gagawin ko, hindi ko pa maayos. All expenses paid by my parents, tuition, dorm, allowances, etc.. Siguro dahil laging sinasabi sa akin yun ng parents ko kaya parang nagiging daily expression na lang na hindi ko na-iinternalize. Pero nagpapasalamat ako dahil may na-meet akong tao na nag-remind sa akin ng mga bagay na yon. Kakaiba yung manner ng pagsabi niya ng mga salitang yon. How he delivered those words that made me realize many things. Natutuwa ako dahil may kakayahan siyang mag touch ng puso at isipan ng isang tao. Napaisip talaga ako nung time na yon. Tapos medyo nangangati pa ako nun dahil sa allergy ko. Yung tao pala na yun ay si Doc. Basta doctor siya, serious. Madaming pangyayari ang nagflash-back sa isip ko. Yes, may mga regrets akong binalikan. Mga what if's. Pero kino-console ko ang sarili ko na ako naman ang nag-dedecide. Nanjan ang Holy Spirit para nag-guide. At sa bawat decision ko, nanjan si God dahil naniniwala akong may plano siya para sa ating lahat at kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Na-do-down ko na naman tuloy ang sarili ko. Na I'm unworthy of everything. Ang mga katulad ko ay walang utang na loob sa magulang na nag-papaaral pa rin sa akin hanggang ngayon. Sabi nga ni Doc, ung pag-aaral na nga lang ang pro-problemahin natin. Mag-aral na lang tayo ng mag-aral, na un na nga lang ang pwede nating ibalik sa mga magulang natin. Kaya dapat tayong magpakatino. Matino naman ako. Sa tingin ng ibang tao. Pero hindi ganun ang tingin ko sa sarili ko. Sa ngayon, nagugulihan pa rin ako. Marami pa rin regrets. Pero hindi naman mawawala yon. Basta nagpapasalamat ako kay Jesus Christ na may mga taong nanjan na nagpaparemind sa atin ng mga bagay-bagay. Naalala ko nga may friend din akong nagtuktok sa ulo ko (figuratively). Hindi niya ako binigyan ng love advice or anything. Sabi niya makinig ako sa kanya, na lumayo na ako kasi talo na ako dahil ako ang naunang mag-fall. Eh may gf si guy. Siguro, nasobrahan akong mag-fall sa kanya kaya hindi ko nakikita ang katotohanan. May gf siya kaya hands off na.. I am so thankful to my friends, they kept on reminding me to let go. Hindi lang talaga ako nakikinig. Pero nti-unti kong narealize na nagpaka tanga, bulag at bingi ako sa paligid. Inisip ko na siya ang nagsasabi ng totoo which is really contradicting to what I am seeing. I really thank God for allowing me to meet people na nag-to-touch ng puso at isip ko na mag lead sa buhay ko sa right track.
Posted by Beryl at 11:49:26 | Permanent Link | Comments (0) |

Monday, April 30, 2007
Post ecocamp and etc..
Katatapos lang ng ecocamp last April 24-27, 2007. Maraming nangyari at mas challenging yung mga activities this year. Ang tribe ko ay Panganese na binubuo ng mga dudes and dudettes. Shocks talaga. Haha!! Wala namang masyadong extra ordinary na nangyari. Samin ung best flag. Inatake ako ng migraine. Tapos nagkaroon ako ng pantal ng higad. Pero aus lang kasi masaya naman. Hahaha. Ansaya-saya nga kas hindi lang tribemates ko ang kakilala ko. Nagkaroon din ako ng kakilala sa ibang tribe. Hehehe..


Sa ngayon nasa isang electric coop ako sa Pampanga. Puyat ako pero hindi naman ako inaantok outside ng bahay. Kahit nga wala akong tulog straight hindi ako inaantok. Pero kanina nakatulog naman ako sa daan, pero sobrang antok talaga ako sa office. Yung antok na tipong mapapa-idlip.. Then I realized na hindi lang pala ako. Nagtataka ako kung bakit nung lunch time tulog ung mga nag-oopisina.. Iniisip ko, talagang pinapayagan ba ang mga ito.. at realize ko sa sarili ko na miski ako, inaantok din pero pinipigilan ko lang.. Iniisp ko tuloy, I think maybe there is something in this room that makes people fall to sleep.. hehehehe
Posted by Beryl at 14:21:32 | Permanent Link | Comments (0) | 
Sunday, April 01, 2007
April Fools..

Sa totoo lang, walang connection ang title ko sa entry ko. Gusto ko lang ilagay na April fools. Natatawa lang talaga ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Yung feeling na mukhang mangingiti. Grabe napaka unproductive ko ngaung week na ito. Pag dating ko sa dorm, higa kaagad, sabay tulog. Ewan, siguro ngaung week lang naramdaman yung pagod at stress ko nung nakaraang linggo. Start nung monday, exam yon sa DIGICOM. Nag-aral ako pero hindi masyado. Sabi ko kelangan mas mataas ung third exam ko kaysa report ko para yung grade ko sa report yung ma-cancel. Pero sobrang hindi ako masyadong nakapag-aral. Grrrr.. Hindi nga pumasok si tina dun kasi cancel the lowest naman daw. Pero nahihiya talaga ako kay sir aldous. Nasabi niya na sa susunod, wala na lan cancel the lowest. Hindi rin ako makatulog nung night before kasi iniisip ko ung sabaw kong exam sa swidlec chaka ung activity na ako ung project head - ung tungkol sa global warming. Sabi ko, gagawa ako ng circuit nung gabi pero wala, natulog pa rin ako. Tapos nung tuesday, late pa ako. Hahahaha!!! 8 am kasi class ko eh. 8:25 ata ako nakadating nun. Tapos wala ring accomplishment yung araw na yun. Naghanap lang ako ng magandang wifi spot nung hapon. Wednesday, maaga ako pumasok kasi voter's education. Late akong nakapasok sa class ko bkasi sinamahan pa namin yung speaker. Pero aus lang, buti na lang hindi ako masyadong late at nagkaroon pa ako ng gagawin pag dating sa lab. Absent na naman si tina nun.. tapos after class dumerecho ako kina marice para gumawa ng lumpia. Pag dating ko, wala pa sila kasi kumain pa pala muna sila sa chowking. Tapos nung gabi nag-Brother's Burger kami.. The usual - Baby Brother, Onion Rings. Nag-iba lang ako ng drink. Chocolate shake ang in-order ko at nag desert ako ng cool bites. Dumating na yung thursday. Wala kaming class kay sir aldous. Induction din ng SC at RSO. Actually SC lang talaga un. Singit lang kaming RSO. Pero ayos lang. MAayos ichura ko nun at nabibigla ang mga tao. Pati rin si Doc A, nag comment din siya. Then napag-usapan ung tungkol sa picnic sa dorm. Siya na nag-set ng date. Bukas na yon. Ayos lang, nakakuha na ako ng konting fund. Mostly, ako na lang ang sasagot ng ibang gastusin tulad ng drinks at itlog na maalat. Medyo nababadtrip lang ako pero kinalma ko na lang ang sarili na ung pag-sponsor sa kainan na un, voluntarily. Parang ayaw niya na nilalamangan siya.. Grrrr.. Hindi ko na lang proproblemahin yon, mababadtrip lang ako. Sige, plano na nung mga kakainin. Kumuha na ako ng itlog na maalat. Nag-order na rin ng pansit sa La Casita. Buti naman sponsor na nila. Kasi naisip ko na baka ako rin sumagot ng malaking part dun. Haaay. Ayun.. after ng induction, derecho ng festi at naghanap ng masosoot. Bad trip nga ako kasi nahirapan talaga ako. Yung nabili ko nga, hindi ko nga nagustuhan. Bad trip kasi ako 4:30 na wala pa akong nakikitang damit. Pero parang may sign na, kasi ung mga gown-like hindi ko talaga trip kasi medyo mahaba. May nagustuhan na akong iba pero ewan. Meron nga dun, medyo turquoise ung color. Gusto ko yun per nag-isip ako kasi 1,400 something sya. Sabi ko, kung yun din lang, then dun na ako sa gusto kong 1,800. Eh di binalikan ko yung 1,800 na un. Kaso wala ng size.. huhuhu.. Pabalik na ako sa turquoise dress nang napadaan ako sa sabella.. Wala lang nagbabakasakali. Nkita ko yung glittery thingy dress. Nag-fit ako pero malaki siya at mahalay. Eh, magaling mag-sales talk ung mga nandun. Nagpafit sa akin ng mga dress. Meron dung tube na sobrang na-flatter yung tiyan, yaw ko nun. Tapos may brown tube na medyo may shearing ba ang tawag dun (ung gusut-gsot), pinafit sa akin. Okay naman yung fit. Nagtanung ako kung may ibang color. May blue daw. Sinukat ko yung blue. Eh pinareserve na pala yon. Tinanung ko kung may stock pa sila. Meron pa pala. Binili ko na yon kasi wala ng time. Pero ok na rin un kasi mas tipid dahil magagamit ko ung silver kong sandals. Kasi kung ung turquoise, bibili pa ako ng bagong sandals at bag. Kaya bag na lang ang binili ko. Hehehehe. Medyo sign na nga na tube dress ang bilhin ko. Nagstart un sa celine eh.. tapos nagtuluy-tuloy na. Wahehehe. Laspag na kasi ung display sa department store eh. Grabe, card ginamit ko dun.. patay na naman ako nun.. Tapos bukas, i-card ko ung softdrinks sa rustan's.. I have no money na eh.. Huhuhuhu. Then friday came. Nothing special.. Napansin ko pala na in-uproot ung calamansi sa butterfly nursery. Nung wednesday pala, nasabi ni yvonne yun tungkol sa composting project na dapat daw implement by june. Naisip ko na din yung project na yun.. Pero hindi ko sinabi sa kanya na I've thought of that also, hindi ko kasi makita yung point kung bakit kelangang malaman niya na naisip ko din yun. Ang pangit kasi ng composting dito sa school. Halo-halo lahat ng clase ng food na kinocompost. Iniisip ko nga dapat siya na lang ung envi commissioner. Mas may alam siya eh. Siya naman ang may ayaw. Yaw niya kasi kay Mr. B.E. eh. Ako, wala lang. Wala naman kasi akong paki-alam. Emotional ako pero wala akong paki-alam sa nararamdaman ko pagdating sa trabaho. Basta gagawin ko trabaho ko kahit galit na galit na ako sa boss ko. Then iniisip ko na wala ring point na mabadtrip ako. Waste of energy lang yun. Tapos, friday na. Yon medyo may konting nagawa. Nagpatulong ako kay fred dun sa swidlab. Thank you fred! Gagawin ko bukas ung breadboard implementation. Sana maaga si kuya.. grrr... Tapos kahapon, exam ko sa feedcon, medy mahirap.. Puyat ako pero parang walang sense kasi hindi rin ako masyadong nakapag-aral.. Eh 2 subjects ang delikado ko ngayon. Indelin at Feedcon. 8 units un kasi magkahalo na ang grade ng lect at lab. Kaya badtrip kasi mahirap maghanap ng oras para sa lab class. Buti na lang nagpa-open notes si sir.. Sana maka-abot sa pasado. Ung kay ralene sana nakuha ko lahat.. na-copy ko bang lahat na nasa hand-out? Pag time-pressured kasi nararattle ako eh.. huhuhuhuhu. Tapos nag-class na kami sa swidlec nung hapon.. Hindi ko nga masyadong na-aabsorb pinagtuturo niya kasi medyo disoriented ako. Hindi ko naman inaway yung prof ko. Nag-explain lang ako na hindi masagutan yung exam niya. Bahala na. Mag-aaral na lang ako sa finals nang mabuti. Kelangan mataas yung grades ko. Huhuhu. Tamad ko kasi eh..Medyo stressed lang ako ngayon sa mga papers na isubmit. Huhuhuhu.. Hindi ko pa nagagawa yung mga dapat kong isubmit. At hindi ko pa pala nababasa yung dapat kong gawan ng paper. Iniisip ko nga, magvolunteer ba ako para sa paper sa envieng.. Eh, iniisip ko, ako ng gumagawa ng paper dun eh.. Si Robin yung kapag kelangan ng intellect. Pag-uwi ko siguro, iprint ko ung mga hand-outs.. ewan.. bahala na..marami-rami din un. Ung digicom na-print ko na. pero ung reports, hindi pa. ung feedcon hindi pa din. Ung indelin, may naprint na ako pero kulang pa un. Sa laptop na lang ako mag-aaral.. Pero panu pag nagpa-open notes? Iprint ko na lang din.. Sayang din un.. Hehehehe. Ngaun, gagawa ako ng reaction paper sa indelin.. Grrr... Gawin ko na rin kaya ung envieng.. Ewan.. Haaaay... Basta, halo-halo yung nararamdaman ko ngaun.
Posted by Beryl at 21:26:40 | Permanent Link | Comments (0) | 
Untitled
April 1, 2007
Wahahaha.. April Fools pala ngayon.. Hindi ko feel kasi nandito naman ako sa school. Nasa school ako kasi dito ako nakatira. Sobrang init kasi nandito lang ako sa gilid-gilid sumasagap ng wifi signal. Well, pinili kong mag-net ng tanghaling tapak, pwede namang mamaya.. Sige mamya na lang ulit.. kawawa naman itong pc ko. Mainit na
Posted by Beryl at 14:19:53 | Permanent Link | Comments (0) |

Thursday, March 22, 2007
Not a good day..

I should be studying for my indelin exam tomorrow.. But I wanted to write here instead. I slept early last night because I was really really sleepy. I set my alarm clock at 3 am. Unfortunately, I just snoozed it. I haven't studied anything yet.. I woke up at 6:30 am.. I prepared some things for March 26 event. Then I prepared myself for the day and started to study. I watched by our door to see if my classmates are already at the bahay kubo. As I saw Sandy heading for the bahay kubo, I got out off my bed and went to the bahay kubo. We were the only ones there because my classmates went to the director's talk instead. I don't consider it as fun because there was only three of us including our professor. We went to the river, but we didn't stayed there too long. We just got samples of water then headed to the biology lab. There we did some experiments which were really I'm not so passionate doing. It can be considered as chemistry experiment. But I really hate chemistry and I am so glad I don't have to repeat that subject ever again. We were not successful because our solution has no reaction to whatsoever we mixed with it..
Posted by Beryl at 15:59:37 | Permanent Link | Comments (0) | 
Friday, March 09, 2007
Gulung-gulo na..
March 9, 2007
 
Grabe, gulung-gulo na talaga ako. Nung una gustong ipa-evaluate ng nanay ko ung transcript ko sa dasma pero tapos sabi niya bahala na daw akong mag-evaluate. Tapos may mga opportunities na dumadating.. Kinukuha ako ni Tin na VP ng tinig, tapos balak pa ata akong isama ni sir ronnie sa eco camp.. Yes, maganda silang lahat.. Medyo bothered lang ako kc..nagpagawa na ako ng good moral ko. Pero, that's not necessarily mean na for transfer diba.. Sana nga lang, open pa rin ung slot for camp..It's really a good opportunity para ma-expose pa ako sa iba't-iba pang environmental aspects. Baka kasi alisin na ako ni sir ronnie sa listahan nung pumirma siya ng good moral ko. hehehehe.. pero kung ganun man, aus lang... basta masaya na ako dito. Chaka medyo attached na rin ako dito. Bukod dun, na-eenhance ung potentials ng mga tao dito. Pero buti nga ako na rin ang mag-eevaluate sa sarili ko.. Stay na ako dito.. Hanggang pag-graduate.. But I'm still looking forward for that camp.. hehehehehe :) I just hope that God will allow that. Nafeel ko na naman na sobrang blessed ako at nagpaparamdam ang tadhana. Kasi nung wednesday pumunta ako ng taft para kumuha uli ng transfer of credentials. Hindi na pala ako pwedeng kumuha uli kasi na-issuehan na ako. So ibig sabihin, kung lilipat ako ng school, yung galing pa rin sa canlubang yung mababasa. Isa pa yun na iniisip ko, kung babalik ako sa dasma sa 15. Pero medyo discouraging ung nag-iinterview sa akin. Nung sinabi ko na mas mababa ang tuition dun, bigla niyang sinabi na parehas lang daw. Tapos sinabi pa niya na bakit hindi ko na lang daw tapusin sa canlubang. Then, magiging back from the start na naman daw ako. Sabi pa niya, pag-isipan ko daw maigi.. Sobrang encouraging diba.. Pero ang masaya dun, I was given the opportunity to go there. Pero nung pumunta ako dun, it seems like it was just a figment of my imagination. That I just dreamt everything that happened even the part when I saw my long time friend, Caye. Grabe, ambilis ng mga pangyayari. Eventhough I was having "the walk" in that campus. Pero sobrang na-feel ko na hindi ako welcome..Pero masaya yung adventure. First time ko pumunta nung thursday sa dasma, at mag-isa lang ako. Sobrang blessed talaga ako ni God kasi nagkataon may kasabay ako papunta dun at nagshortcut pa kami. Sa Charbel village kami bumaba. Ang pangalan niya ay sabrina. Medyo madaldal at I think smart. IE siya and still a regular student. Kinkwentuhan niya ako kaya hindi ko tuloy napagmasdan yung mga dinaanan namin. At sinabihan niya ako na matapang dahil first time ko at hindi ako marunong pumunta dun. Tapos pauwi may nakasabay din ako papuntang pala-pala. Tagal kc ng FX-Pacita sa tapat ng dasma. Too bad at bumaba na ako ng Pacita FX at sumakay na lang ako ng Balibago FX. I thanked that Tourism student na girl. Di ko nga lang nalaman ung name niya. Pero siya ung nagpasimula ng mga conversation. Wahehehehe. Sakto naman nakadating ako sa skul ng 1 pm. Kaso I haven't eaten anything yet. Kaya nung binigay sa akin ung test paper ko, medyo banagag pa ako. Bukod dun, bagong gising din ako kasi natulog ako sa van. Sobrang antok talaga ako eh. I'm so happy na na-tour ko si Sandy sa mga damuhan. Wala lang. Masaya lang ako.. I just hoped that everything would turn out just fine. May application din pala ako sa Bayer.. Di ko pa din alam kung anung planu ko dun..
Posted by Beryl at 20:11:10 | Permanent Link | Comments (0) | 
Sunday, March 04, 2007
March 4, 2007
1:05 pm
It's another Sunday afternoon.. Grabe, nung simula ng term na ito sabi ko sa sarili ko na makikinig na ako sa class para mas matataas ang mga grades ko.. pero i still end up not listening and cramming before exams.. Sabaw talaga indelin ko at feedcon. yung last kong exam sa swidlec isa ring sabaw. Feeling ko marami akong redundant dun.. haaaaay.. well at least sa feedcon, sumaktong 66 ung grade ko kaya medyo passing pa.. ung indelin ang pinka delikado ko.. bukod dun ung swidlab na hindi ko alam ang standing ko, feeling ko un pa ang magpapahila pababa sa akin sa swidlec.. sana gawin ni sir kung saan kami mas mataas, ung ang gamitin niyang pagkuha ng final grades namin. Baka nga sa 70-30 pa kami mas mataas kasi generous siyang magbigay ng plus points.. Kaso ung plus points niya madalas hindi ko naman nakukuha.. Masyado kasi ang rattled kapag time-pressured. :( Marami pa nga akong dapat gawin. Maaga akong gumising pero inaantok ako ulit kaya nahiga ako. Then naligo tapos pumunta dito sa school para magnet. Bad trip kc hindi umaabot ung wifi sa dorm. If only I can find time to study and make home-made wifi signal extender. Mero wala eh, madaming exams a maraming reports. Lahat nga subjects meron swidlec-may case daw na ibibigay (sana ibigay na niya para magawa na), indelin-environmental churva na hindi ko alam kung anu, feedcon-katatapos ko lang, envieng-paggawa ng weather station(barometric sa amin), meron pa ngang tungkol dun sa landfill ewan, digicom-tungkol sa telephony thingy. haaay lahat un wala pa ako. at due yata ito next next week. This term is really stressful. May iba pa ngan nagpapa-stress sa akin.. Yung paglipat ko ng school.. Although hindi pa naman sure un, malaki ang posibility.. Yung dasma ata kasi, marami macredit ng subjects. Pero inisip ko, sana last last year pa nila ako pinapunta dun at hindi sa canlubang pinag-aral. Sabi naman nila, cge okey lang, kunin ko na lang daw ung subjects na pinapakuha ng canlubang. Tapos ngaun bigla na lang akong pakukuhanin ng TOR para mapa-evaluate sa dasma kung ilan ang pwede nilang i-credit at kung saan ako mas gragradweyt ng maaga.. Napakahassle talaga. Dapat nung thursday punta ako dun kaso mali-mali ang naksulat sa transcript. Eh hindi ko nakuha nung wednsday kasi nag-aayos ako ng report sa feedcon. Kaya nga hindi pa rin ako maka-uwi sa amin kasi feeling ko pag-uusapan namin ung tungkol dun. Ako na lang ang puntang dasma. Mas safe din un para hindi nila makita transcript ko. La lang..Gusto ko rin pag-uwi, handa na ung loob ko sa sasabihin nila. Kasi baka maiyak na naman ako. Marami na ring nakaka-alam pero ung sa dorm, wala pa. Andadal-dal ksi ng mga eng. Medyo nakalimutan ko na ung tungkl dun, pinapa-alala pa nila.. Kaya nga minsan hindi ako nagkapag-aral ng maaus kasi naiisip ko yun. Sa ngayon, wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Yung mapapaglabasan ko ng hinanaing sa mundo. Yung maiintindihan ako, ung makikinig sa akin. Yung mga tao kasi dito hindi naman sila maka-intindi. Lalo na ung mga taong I thought my "peeps". Parang pa-down ang tingin niya sa akin, na although nakikita niya na may potential ako, ang tingin niya parang growing stage pa lang. Hindi niya talaga ako kilala. Yes, hindi niya ako kilala. Hindi naman sa nagyayabang pero, i earned na sabihing mas may wisdom ako kaysa kanya. I've lived in Manila long enough to become an independent and mature person. I had so many struggles in life na hindi niya maiisip na nakapag survive ako. Siguro talagang ganun. In this new school, new place, new environment, I'm a newbie and not yet discovered. Pero hindi ko talaga matake kung panung pag-down na tingin niya sa akin. Last night was our bandfest. Kapal nga ng mukha niyang hindi umatend ng mga meetings at sinabi niya a talagang ung bandfest lang ung hinihintay niya. Talagang gusto niyang sumama sa mga glamorous bigtime activities. Tama na naman ang wisdom ng isa kong mentor, na maraming mga tao nagpapakita lang pag awarding ceremonies na. Kaya lam ko rin ung nararamdaman ng mga sensitive na tao. Yes, sensitive ako pero hindi lang halata. Ay, halata na pala. Marami ng nakakaalam dito na iyakin ako, madaling magburst ung anger ko. Eh, nakakaprovoke ng anger mga tao dito. Although hindi naman lahat, majority lang. Or hindi kasi ako sanay na lagi akong inaasahan. Gusto ko kasi laging fair. Lahat may contribution regardless of size. Basta ayokong merong naiiwang nag-si-sitting pretty while all the rest ay nagtatarbaho. I hate freeloaders. It's okey to be a slacker. I consider myself as a slacker but never a freeloader. Yung mga tipong small favors na pwede naman nilang gawin pero hindi magawa. Lalo na kapag may gusto sila tapos ako ayaw ko tapos sila lang ung mag-bebenefit. Bad trip un. Ayokong sumama sa CR kapag hindi ako na-CR dahil hindi ako nagpapasama sa CR. Yung tipong mga user. Yung kinakausap ako kasi wala ung mga tropa niya. Kinakausap ako dahil ako na lang ung girl na classmate siya. Kaya tama lang hindi niya kelangang malaman kung nasan ako kung hindi naman siya kelngang pagsabihan. Meron pa jang gusto kumain ng mga kung anu-anung pagkain tapos ako ang pagagawin. Aus lang kung paminsan-minsan at hindi lagi-lagi dahil I have my own responsibilities. Masaya rin kasi nakakain din ako. Ang kaso diba umiiwas nga ako sa hugasin. Grrrr.. Maybe it's right na lumipat na nga ako ng school. Puro stress, kabadtripan, at inis ung napapala ko dito. Dapat tahimik lang buhay ko dito, kaso t*ngna kc c **i**, pinagkalat pa. At nnapaka asshole pa niya. Siguro sa dasma, wala na masyadong makakakilala sa akin. Kung meron man, wala masyadong background na alam. Mas tahimik siguro buhay ko dun.. Marami rin akong maiiwan dito.. Yung nursery, buti nga maayos na siya. Pero in-uproot ung mga flowers na iba. Bad trip un. Yung mga seedlings galing sa PCSO. Bahala na silang maghanap ng ibang seedlings. Tutal hindi ko na makita yung mga guyabano eh. Yung dorm, our inuman sessions. Hahaha!!!! Patago yun. Speaking of, naginuman kami nung thursday. Pagpasok ko ng envieng medyo may hangover pa ako at nasusuka-suka pa. Buti na lang bumili kami ng nerds at un lang kinain ko habang nag-class. Napansin nga ng prof na medyo parang tahimik ako.. Hahaha!! Biglang tinanung, anu ba daw ginawa namin.. hindi niya natapos ung tanong. Alam na niya. Hahahaha!! Wala sinabing specifically tungkol sa pag-iinum. Alam niya kasing nag-iinum kami. Gets na yun. Sabi ko nga buti pinasukan ko ung class niya eh. Balik tayo sa maimimiss ko.. Yung mga tao, ung konting prof. Yung atmosphere na tahimik. Yung taong mahal ko.. 2 sila.. hahahaha... Basta sila yun. Yung isa dun hindi ko akalaing magugustuhan ko.. Basta parang nasense ko lang na okay ung vibes namin.. hehehehe. Pero if ever na lilipat ako, gusto ko sana ng matahimik na acad life. Yung walang extra curricular activities. Studies lang at social life. Dito ko nga gusto ko lie low lang. Pero wala eh.. Pandagdag resume daw yun.. Pero hindi ulit sa pagyayabang, may masusulat na din ako kahit papanu. Although hindi naman ganun kakapal, at least I think it's competitive enough. Haaay.. Makapaghanap na nga lang ng codes para sa exam ko bukas sa DIGICOM.
Posted by Beryl at 13:49:42 | Permanent Link | Comments (0) |

Saturday, February 24, 2007
Just another day
Grabe, sobrang na-feel ko lang talaga na blessed ako ni Papa God. Although hindi ako nakasipot sa date naming YFC's with Papa God. Medyo bumigay na rin kasi yung katawan ko. Pero alam ko namang naiintindihan naman Niya yun. Patapos na ang araw ngayon. Ayos naman, hindi ako pumasok kay sir gerry kasi nagbantay ako sa vermiculture.. ayos lang namin kasi wala akong regrets sa hindi pag-attend. Yun nga lang, maghahabol ako.. hehehehe... With the help of God, kakayanin ko ito.. Medyo sabaw pa nga exam ko dun eh. Silang dalawa ni Indelin.. Hehehehe!!!! sabaw talaga... Yun nga ung mga subjects na medyo kakaba-kaba ako. Kahapon pala nagalit si miss rosete sa amin sa lab kasi ba naman nagpipicture ung classmates ko habang nagdi-discuss siya.. Medyo nakakabastos naman talaga.. Biglang naalala ko na naman ung buhay ko sa taft, dun talaga napractice ko ang pagkakaroon ng disiplina. Yung "only in canlubang" na naman na phrase. Which is true. Kanina nagbantay kami sa nursery ng mga worms. Nakakatuwa naman ung mga worms at yung mga batang aliw na aliw sa mga uod. Yung iba nandidiri, ung iba naman pumapatay, at yung iba nag-uusap kung panu mag-mate ang worms!!! Grabe ang kabataan nga naman ngayon, grade three pa lang pag-mate na ang gustong pag-usapn!!! Hahaha!!! Kung sabagay IS naman dito sobrang agresibong liberated na parang ok lang kung alam ng buong madla na may ginagawa sila ng boyfriends nila in or out of school. Tapos yun kumain kami ng lunch sa La Casita. Ang food namin pansit with tinapay courtesy of NSTP studs. hehehehe. Habang kumakain nga kami pinag-uusapan namin na mukhang worms na nag-wi-wiggle-wiggle ung kinakain naming pansit at ung mga gulay ang food scraps!!!! hahahahaha!!!! Nung hapon pumasok na ako ng class kasi may exam ako. Pero kahit wala akong exam, hindi ako aabsent. May + .5 un sa final grade kapag complete attendance. Kanina medyo nabadtrip lang ako sa prof ko kasi binroadcast ba naman na ako yung highest. Eh ayaw ko na pinag-uusapan ung grade ko lalo na kapag mataas ako. Eh diba ayaw ko ngang malaman ng madla ung exam ko, siya naman itong pinaglalantad. Pero siguro wala naman siyang inisip na masama in doing so. Nag-sorry pa na siya. Pero ayos lang yon. Masakit pa rin hanggang ngayon yung likod ko. Buti na lang at nag-off lotion ako at least hindi ako kinakagat ng lamok dito sa ground floor.
Posted by Beryl at 18:45:53 | Permanent Link | Comments (0) | 
Thursday, February 22, 2007
Missing everything
Hindi ko alam kung anung sumagi sa isipan ko at naisipan kong i-search sa google ung pangalan ni Sheena. May mga lumabas tapos ang pinili kong i-click ay something about mystical thingy. Blog pala un ni Chester. Nag-basa ako ng blog niya. Habang nag-babasa ako, bigla ko na namang namiss ang manila. Bukod dun kababasa ko lang ng testimonials ni Mich sa akin sa friendster. Na sobrang na touch talaga ako sa mga sinabi niya. Medyo naluluha na nga ako kasi parang bumalik ung mga alaalang sobrang ang saya-saya..Yung parang may halong pang-hihinayang at pagsisisi kung ano ang kalagayan ko ngayon. Sobrang over staying na nga ako sa school. Bukod doon, nauubos ko na ang pera ng magulang ko.. Naawa nga ako sa kapatid ko kasi feeling ko hindi siya makakapag-aral sa taft ng dahil sa akin. Yung pang tuition niya para dun, pinang-ti-tuition ko dito sa canlubang. Sa pagkakaalam ko mas mahal ang tuition ko dito sa canlubang kasi id 105 ako d2 pero sa manila 101 ako. Pero kung tutuusin mas mahal pa rin per unit ko sa manila.. Lagi lang kasing 12 units ang kinukuha ko kaya ung total na binabayaran ko sa manila, mas mura kaysa canlubang. Sa canlubang dumating ang point na kumukuha ako ng 23 units na load.. hehehe... Tanggap ko na kabatch ko prof ko sa swidlec. Hindi na ako bitter pag dating dun. Kasi yung mga classmates ko sa Swidlec hindi nila sinusumbat na dapat graduate na ako. Parang shut up lang sila. Minsan humihirit ng pabiro pero tolerable. Hindi katulad kapag si tina ang humihirit. Sobrang foul na talaga kaya minsan nababadtrip na lang ako. Kaya ayon, lalo ko tuloy namimis ang DLSU-M. Ang mga tao dun very considerate sa nararamdaman mo, at hindi sila tactless. Alam naming lahat kung anong hirap ang mag-aral sa Manila. Kung tutuusin mas masipag akong mag-aral dun. Dito parang hindi talaga ako nag-grow. Parang hindi ako na-momotivate mag-aral kasi sobrang lax ang mga tao. Kung tutuusin dapat kung gaano ako kasipag mag-aral sa taft, ganun dito. Kasi kung gagawin ko yun, malamang nakakapag-over load na ako. Ngayon nga feeling ko babagsal ako ng mga subjects ko.. Badtrip talaga.. Haaay... Tapos yun, basa naman ako sa blog ni Chester. Dun bumalik uli na i was not a bad student after all. I did my part a student and a leader. Nag-aaral ako at maayos akong magtrabaho sa mga orgs. Parang sinasabi na ang effort ko ngayon, hindi pa ito yung best. I can excel kung gagawin ko talaga. Habang binabasa ko ang blog ni Chester, biglang naf-flash back kung pano kami i-train professionally sa taft. Sobrang hiwalay ang trabaho namin sa personal naming buhay. Hindi ko lang masyadong ma-practice dito. I am out-numbered kasi. I guess, this is it for now. Kakainin na ako ng roommates ko. Gutom na daw sila. Ako na lang ang hinihintay. Ako nga ata mag-huhugas ngayon eh.. Ay hindi pala.. Si genica.. Hahahahaha!!!! Pero kung sabihin nilang ako, ok lang. :D
Posted by Beryl at 19:26:18 | Permanent Link | Comments (0) |

Monday, January 29, 2007
Sobrang.. :D
Jan 29, 2007Dapat last week pa ito. We went to Real for the Kasangga Assembly. Campus Based was the host and so we went there the night before. I thought there were already people there even during the day so i decided to go there early. Kasi akala ko ako lang pupunta hindi kasama si leo. hahahaha!!! Hindi ko kasi siya nakikita eh nung mga nagdaang araw. I went there with Vinci. Actually sinabayan lang niya ako, or sumabay ako sa kanya. Commute kami at pauwi na rin siya. Mag 5 na rin un ng makarating sa Real. Walang tao kaya I decided to go to Walter mart. Grabe ah, first time kong bumaba sa place na yun at mag-isa lang ako. Xempre, dasal ako ng sobra. Dun talaga sobrang wala akong maisip na dasalin kundi ang safety ko at sana may dumating ng mga tao. I ate Quarter Pounder at McDo. Grabe, yung mahal pa ang naisip kong orderin pero hindi ko malasap ung lasa sa sobrang nerbyos ko baka kung mapano ako sa lugar na yon. Tapos mag 6 na at medyo dumidilim kaya bumalik na akong school. It was still closed and I texted them if what time will they be arriving. Then sabi nila paalis pa lang sila. Mangiyak-ngiyak na talaga ako dun. Kasi wish ko nga sana kahit wala sila pero at least bukas ang school. Nakatambay lang ako sa may gate ng school at pinagtitinginan ng mga tao. Bukod dun medyo matraffic pa, so maraming mga taong ngingiti-ngiti. At talagang tumataas na ung temper ko. Ang dami ko ng iniisip. Grabe, hindi ko na nga matatandaan kung what time ako nakarating basta alam ko mag 8 or 9 pm na un na may dumating na motor sa likod ko. Sobrang takot talaga ako nun kasi baka kung sino un kaya sobrang dasal talaga ako nun. Tapos pag lingon ko, biglang tanggal siya ng helmet tapos tanung niya yfc? Sobrang saya ko nun... At least may kasama na ako dun. Thank God!!! Yun ung first encounter namin ni Kuya Ian.
Nung January 21, decided na ako na hindi papasok ng SWIDLEC kasi after lunch pupunta na kaming Sta. Cruz para sa Kasangga Retreat. Monday before ng retreat, todo text pa ako sa prof ko para itanung ung lesson kasi hindi nga ako makakapasok. At todo paturo pa ako kay fred sa ilelesson. Then nung Saturday, January 27, day na mismo ng retreat. Biglang text si leo na 3 pm na lang alis kasi kasama si tina. Ok naman kaya nag decide ako na pumasok na lang. Biglaan lang ung pagsama ni tina at biglaan na din ang pagpasok ko. Grabe sobrang galing talaga ni God!!! Kasi si Tina hanggang 3 ang class, ako hanggang 4. Thank God talaga na 3 pm dismissed na kami!!!!! Balak ko kasi lalayasan ko na lang si sir swidlec kapag dismissed na si tina. Nauna pa kaming idismissed kaysa sa kanila. Sobrang nafeel ko talaga ang mga blessings ni God. Kaya wala pa akong late or absent kay sir swidlec. May insentive kasi un na + 0.5 sa final grade. Tapos yun, commute kami from paseo papuntang crossing. Then jeep uli papuntang Sta. Cruz. Nung may bababa na sa Monte Vista, ung Manong may butas ang plastic ng bigas kaya binigay na ni tina ung paper bag. Asteeg noh!! Tapos may Manong wala daw pambayad, binayaran ng leo pero hindi alam nung manong. Tapos ung manong driver, hinatid pa kami sa mismong Pedro Guevarra. Kaya nakakatuwa talaga. Marami akong natutunan nung retreat at narealize. Pero ngayn first day after ng retreat, may inaway na ako. Si JC Ferrera. Lam ko disappointed na si God nun kasi dapat hindi ko na siya pinatulan. Nakaka-inis na kasi eh. Biglang hirit niya bakit daw hindi ako nagbago? Leche siya!!! Bakit siya ba nagbago kaagad? Sinagot niya sa akin oo!!! Sabi ko sa kanya hindi naman abrupt un eh. Tapos sabi niya kahit na pa. So nagkainitan na kami, at inaway ko siya. Pero siempre, may superiority complex ako, hindi ako nagpatalo. Siya yung tameme... Natutuwa siguro si taning sa ginawa ko. :(( Pero i felt sorry for him kasi sobrang naapakan ko pride niya. Pero binaback stab na namin siya dati pa at wala sa mga orginal tropa niya ang nakapagsabi sa hindi niya magandang ugali. Pero hindi naman ako inawat ni sir aldous. hahaha!! Ngaun, nasa lib ako at sobrang lamig. Nagnenet kasi ako tungkol sa mga projects eh.. hehehehe!!!

Sunday, December 31, 2006

TV, cp games

Sa loob ng isang linggo, wala na akong ginawa kundi manood ng tv hanggang 3 am. Grabe, tv-addict talaga ako. Kaya minsan nung gumising ako may isa akong pimple sa gitna ng eyebrows ko. Hahahahaha!!!!! Pero ngayong bakasyon ko lang narealize na enjoy pala ung games ko. Ngayon lang ako naglaro at na-addict din ako. Kahit gusto kong palabas na ang nasa tv, hindi ako tumitigil hanggang hindi ko na-unlock ang next level. TV addict ako pero talagang nakaka-addict ung cp games ko.
Posted by Beryl at 13:15:56 | Permanent Link | Comments (0) | 
One thing that drives me crazy...

It has only been 1 week since the start of my Christmas vacation. Yet I seem to feel otherwise. I spend most of the time watching tv, sleeping, and listening to radio. Meaning, I am hiding in my room. It's very understandable because the location of my room is really isolated. It is the only room on the second floor of our house and the stairs is outside. That explains it why it doesn't really matter if I'm home or not. I don't see the people often not unless they would really take the effort to go outside and see how am I doing, or just tell me that it's time to eat. Yes, I have tv inside my room. That's the fun of it. Pc? I have 1 but i left it in my dorm. It's portable, but it's not a laptop. It's a portable desktop. I move my pc whenver it is needed. Maybe that's the reason why it has so many defects. I would like to have pc in my room when I'm home. I want to check my email, to surf the net, to do some stuffs. I have an extra cpu here but i don't have an extra monitor. Besides, the keyboard port is not ps2. It's a larger ps2.
This first week of stay in my hometown is quite unusual. There were three relative dinner that required my presence. For some people, it is normal to meet relatives. But for me it isn't. I'm not used to meeting them always. It just drives me crazy. I don't know, but whenever I'm with my relatives, I'm an anti-social person. Maybe because we don't have anything to talk about. School? They keep asking when will I graduate!!!!!!!!!!!! I just wished they just shut the hell up. Then they move into asking if i have a boyfriend!!!!!!! What very nice topics to talk about in a family dinner. Then after the family dinner they began backstabbing other relatives which are the spouse of my immediate aunts and uncles.
The first Christmas dinner can be considered as a bon voyage dinner for our relatives from Australia. It was last December 22. It was late when I realized that me and my brother were the only ones wearing jeans and shirt.Again, it was another an anti-social mode for me. I am not a fan of chatty conversation with my relatives, specially in my father's side.
December 24-another Christmas dinner at my uncle(?)'s house in Macaria. I really like the leche flan there. It has this very distinctive taste that is relly addictive. It was the first time that I met him with his 2 kids. I felt awkward.
On Christmas day, my relatives from my mother's side were here in our house. I didn't talk to them that much because I was busy watching tv. My cousins are already used to that kind of attitude. I don't think that's a snobbish act. I just want to watch tv.
December 26-Another relative from my mother's side were here, and also my inaanak. I think my other inaanak was here the other day. I forgot when was that, but I'm pretty sure my 2 inaanaks were here to get their presents from me which my mom bought. Relatives(?) from Macaria were here also. I was sleeping when they got here. I only saw them when I woke up at around 830 pm.
Posted by Beryl at 12:59:20 | Permanent Link | Comments (1) | 
Friday, December 22, 2006
Christmas break 2006

Dahil wala namang makakabasa dito, magpapakaspiritual muna ako. Hehehe!!! Grabe, itong term na ito, sobrang stressfull talaga. Simula first week of classes, may activity na kaagad ako outside ng skul. Everyweek akong umaalis except lang nung bagyo. Bukod dun, madalas na rin akong umuuwi. Basta, sobrang napakadami kong activity.. Ito nga ang term na may pinaka marami akong activity sa buong stay ko sa DLSC. Sobrang thankful ako kay Papa God kasi kahit madami akong extra curricular activities, pasado ako sa lahat ng subjects. Ito nga ang ilan sa mga ipinapasalamat ko :

1. Yung basic tree planting 101

2. Yung tree planting sa Mt. Malay Palay

3. Yung bagyong si Milenyo

4. Bday ni Marice

5.Nag sleepover kay Taring

6. Kasal ng kuya ni Taring/RYC Lock In

7. Regional Youth Conference

8. Kelngang Umuwi sa bahay

9. Umuwi uli

10. Youth Camp

11. Talent Quest

12. Attempted Bagyong Reming

13. Covenant ng PUP

14. Final Exams

15. Mga professiors

16. Exams ko sa buong term

17. Birthday ko

18. Birthday ni Lil Bro

19. Baptismal/Wedding Anniversary

20. Course card day

21. Enlistment

22. Mga kalokohan wd my dormates

23. At marami pang iba

Sobrang na-feel ko na blessed ako. Marami akong pagkukulang kay Papa God, pero inspite of that, tinulungan niya akong malagpasan ang term na ito. Kahit na minsan nakakaligtaan ko ung prayer time, instead na 9pm nagiging 11pm. Wala lang. Ayoko kasing makita ng mga dormates ko ung sprituality ko. Hindi naman sa ikinakahiya ko. Gusto ko lang na secret. Ayaw ko lang na malaman nila na nagdadasal pala ako. Parang siga,astig ang tignin kasi sa akin. Buti na nga lang din, nagsabi na si _e_ kay _a_. Hehehe!!! Nagustuhan naman ata niya ung shirt. Un talaga ang nafe-feel ko ngaun. SObrang blessed ako kahit nagpapaka____ ako sa bahay. Iniisip ko, sobrang bait sa akin ni Papa God. Sana maging mas mabait din ako... Christmas wish... Sana hindi ako magkabagsak hanggang maging engineer ako... At sana maging engineer (pasado sa board) ako b4 ako magrenew ng license sa 2009. Un lang muna..

 
Posted by Beryl at 10:13:51 | Permanent Link | Comments (0) | 
Saturday, December 16, 2006
Hindi pa rin tapos ang term ko...
Grabe, my finals supposed to be finished by this time. Unfortunately, we have to make for our missed classes in advelin that we have to move our finals on Monday. I haven't finished studying because many things came up. I am not complaining about not having finished studying. Well.. I just hope and praying that i'll pass all my subjects.. But to tell the truth, I am experiencing a lot of stress lately. It really looks that i am not yet rested but the reason is not only academics. There are lot of mental baggage in my head. Because, i feel that I have to be there for everyone that needs me. I don't really consider this as mental baggage, its just that all my mental energy is beeing sucked up of thinking of other people instead of practicing electronic circuitry. Even as of now I think that I am not really thinking really well. Maybe considering myself is disoriented mode. Hahaha!!! There are really lots of things in my head and I feel that i want to explode and tell the world all that's in my heart. I want to tell this and this and those and those. Things that i am keeping as secrets. Masyado na rin kasing madami at kailangan ko ng bawasan. Kumbaga, if i was a locker, napupuno na ako at ung ibang laman sa akin kailangan ng ilipat ng lalagyan. I know many secrets. Many thought that I don't keep secrets because they think of me as madaldal or maingay. But the truth is i keep secrets. Nababadtrip lang ako kc minsan kapag nagshare ako sa iba, hindi sila mapagkatiwalaan. Kaso ang mga secrets ko madalas puro sa ibang tao. Ako kaya, kanina kaya ako pwedeng mag-open up para naman mag share ng mga nararamdaman ko. Recently may bago na naman akong nalaman. Pero hindi ko muna ilalagay dito. Baka kc magka issue. Pinagtataka ko lang bakit ung ibang tao naiinis sa akin kapag may hindi ako sinasabing secreto. Kaya nga secret kc hindi pwedeng sabhin. Badtrip din ako kc may mga bagay na hindi naman sinisecreto, ayaw naman sabihin. Minsan nga nakakalimutan ko na rin na may mga alam ako sa ibang mga issue sa skul. Para at least mabawasan ung nararamdaman kong stress. Pero merong medyo mabigat ngaun, recently lang..clue-may mga taong magkakilala pero ung isa hindi niya alam na siya un. Yung iba luma na. Kasi basta ung recent kasi pag nagka bukuhan, feeling ko baka lalo akong mapasama or mapabuti... hehehe... kaya itatago ko na lang identity niya!!!!!! 
Posted by Beryl at 14:26:45 | Permanent Link | Comments (0) | 
Thursday, December 14, 2006
Term Ender (2nd Year, 2nd Term)

  It's our finals week again. Pero parang hindi ko pa rin feel. Gusto ko lang talaga magbakasyon. Ewan ko, basta marami akong nararamdaman na kung anu-ano.. Medyo bothered ako kasi baka bumagsak ako ng advelin. Tapos feeling ko baka alanganin pa ako sa poligov. Haaay... Ang buhay talaga parang life. Marami din akong iniisip. Kung paano kung magkita ulit kami nun, anu ang magiging reaction ko. It's been 2 years na rin. Pero parang bumabalik ung feeling ko na hindi ko maipaliwanag. Sobrang gulo lang talaga ng nararamdaman ko ngayon. Kasi bukod sa iniisip ko sa sarili ko, marami pa din akong ibang iniisip. Siguro na-stress lang ako. Kasi pinili kong ma-feel ung stress na yun. Madami lang siguro akong iniisip. May mga nasa loob kasi ako na wala akong mapagsabihan. Ewan ko kasi natatakot ako. Parang feeling ko wala akong mapaglabasan ng nararamdaman ko. Twice na kasi akong nagtiwala. Pero pareho silang hindi ko mapagkatiwalaan. Sana mawala na itong stress na nararamdaman ko. May mga nagsasabi na magdasal din ako. Yup, nagdadasal din ako. Kaya lang minsan nagpapakabingi ako at manhid kay God. Hindi ko fini-feel yung gusto niyang response sa mga prayers ko. Siguro masyado lang akong demanding na ang gusto ko ngayon ay isang human anatomy na makaka-usap. Kahit siguro anong klaseng tao basta mapagkakatiwalaan. Dahil meron akong mga bagay na gustong sabihin at ikwento. Lahat naman ng mga tao may sensible side. Gustong kong sabihin na mahal ko pa rin siya. Na bakit siya biglang nawala. Sana mag-usap kami kahit saglit lang. May mga bagay pa akong gustong i-clarify. Kung anung nangyari. Bakit ganun? Haaay... At gustong magsabi sa kanya ng mga secrets na tinatago ko.. Hehehe!!!! Medyo madami na rin kasi...
Posted by Beryl at 11:09:12 | Permanent Link | Comments (0) |